Friday, October 9, 2009

Ang hagupit ni ONDOY




Sa mga nakaraang linggo, aking nasaksihan ang Bagyong Ondoy na sumira sa mga daang-daang mga buhay ng mga pilipino dito sa Pilipinas. Isang malaking gambala at problema ito sa ating mga kababayang nasalanta para sa akin. Sa kadahilang maraming mga bagay at buhay ang nasayang dahil dito. Sa ngayon, ang tanging kailangan nila ay tulong sa ating mga kababayang madaling nakabangon sa bagyong nagdaan.

Sa Bagyong Ondoy marami ang nasalanta tulad na lang ng mga probinsya sa bandang norte at sa iba pang mga bahagi ng Pilipinas. Nakaranas sila ng pagkawala ng kuryente, malinis na inumin, mga pangunahing pagkain tulad ng bigas, mga delata at iba pa, gnun din sa mga pangkasuotan tulad ng mga damit at mga gamot. Naapektuhan din ang kanilang mga hanap-buhay dahil sa epekto ng bagyo. At higit sa lahat, karamihan sa mga ito ay lubog pa rin sa tubig baha na dinulot ng Bagyong Ondoy.

Sa aking sariling karanasan tungkol sa bagyong ito ay talagang nakakapangamba para sa akin. Sa kadahilanang lubog sa tubig baha ang mga gusali, ganun din ang ospital at ang unibersidad na aking pinapasukan dito sa bayan ng BiƱan, umapaw rin ang ilog na malapit dito at ang mga poste ng mga kuryente ay nagsitumbahan din. Ilan sa aking mga kamag-aral ay naantala rin ang kanilang pag-uwi dahil wala silang sasakyan na mga nagsasakay patungo sa kani-kanilang mga lugar.

Sa hagupit ng bagyong ito, maraming mga tao ang nangamatay at nawawala pa rin hanggang ngayon dulot ng kalakasan at pagtaas ng tubig ng mga panahong iyon. Labis na pagkakasakit, ang isa pang problemang natatamasa ng ating mga kababayan dahil sa maduming paligid. Pagkawala ng matitirahan dahil ilang sa mga pamilyang ito ay na dala ang kanilang mga bahay ng malakas na anod ng baha.

Bilang isang estudyante at mamamayaan tungkulin nating nagbigay ng tulong sa mga nasalantang ng bagyo upang mapadali ang kanilang pagbangon mula sa kanilang malungkot na sinapit. Ako, bilang studyante ay nagbigay ako ng konting bigas, mga de lata, at ilang noodles. Sigurado akong malaki na ang magiging tulong nito sa mga nasalanta ng bagyo. Ramdam ko kung gaano kahirap ang mawalan ng tirahan at mga ari-arian. Lalo na ang mawalan ng mahal sa buhay. Sa tuwing napapanood ko ang mga balita at nakikita ko ang mga tao na nasa bubong na ng kanilang bahay ay naaawa ako. Napakahirap magpalipas ng gabi sa bubungan ng bahay nang wala man lang pagkain at malinis na inumin.

Naging malupit ang bagyong Ondoy sa Pilipinas. Napakadami nitong sinirang ari-arian. Walang sinasanto ang bagyong ito, mapamayaman man o mahirap. Lahat nagdurusa. Marahil ito ang ganti ng ating kalikasan. Dahil sa walang pakundangang pagabuso natin dito. Tulad nalang ng walang habas na pagputol ng mga puno sa kagubatan at hindi pinapalitan o tinataniman ng panibagong puno. Resulta nito ay ang pag-guho ng lupa dahil wala nang makapitan ito.

Sa patuloy na pagunlad ng ating bayan ay dapat maging mapagmatiyag tayo sa mga bagay na dapat isinasasaalang alang. Mga bagay na dapat nating pangalagaan dahil kapag ito ang nawala, ikamamatay natin. Ating tatandaan na sa bawat pagsira natin sa ating kalikasan, ay madodoble ang apekto nito sa ating pamumuhay.